Skip to main content
PANAWAGAN PARA SA NOMINASYON: GAWAD PANGULO
Image
Gawad Pangulo

PANAWAGAN PARA SA NOMINASYON

GAWAD PANGULO

Sa natatanging serbisyo publiko

June 2026

Ang Gawad Pangulo ay isang pagkilala sa mga natatanging serbisyo publiko na inilunsad ng mga yunit, indibidwal, at organisasyong pang-mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang nominasyon para sa Gawad Pangulo sa Natatanging Serbisyo Publiko ay bukas hanggang sa 31 Oktubre 2025.

MAGPASA NG NOMINASYON

Maaaring basahin ang buong guidelines dito.

https://docs.google.com/document/d/1VPrJ8VzWgIJ-Tszi1uqniJdj7c2jRkWjSdyQ1TQNvh4/edit?tab=t.0

Maaaring magpasa ng mga nominasyon para sa mga programa o proyektong inilunsad mula 01 Enero 2022 hanggang 30 Hunyo 2025. Dapat mayroon nang makabuluhang kontribusyon ang mga programa/proyektong ito sa loob noong itinakdang panahon.

Para sa mga inisyatibang inilunsad katuwang ang iba pang opisina mula sa UP, ang Project o Program Leader ang magsusumite ng nominasyon. Para sa mga inisyatibang may katuwang na mula sa pribadong sektor o iba pang higher education institutions, isaad nang malinaw ang tungkulin ng UP (mapa-indibidwal o institusyon) bilang pangunahing tagapaglunsad.

Lahat ng mga nominasyong may kaugnayan sa pananaliksik ay dapat may clearance mula sa kinauukulang ethics board. Samantala, para sa mga nakumpletong programa’t proyekto, dapat magpasa rin ng clearance mula sa accounting office bilang patunay na maayos naisara ang proyekto pagdating sa paggamit ng pondo.

Walang limitasyon sa bilang ng mga nominasyong maaaring ipasa ng isang CU.

Ang bawat ipapasang nominasyon ay dapat na may kalakip na supporting documents tulad ng proposals, documentation reports, at iba pang dokumento:

Para sa mga organisasyong pang-mag-aaral, kailangang magpasa ng Certificate of Recognition mula sa Office of Student Affairs (OSA) ng kinabibilangang CU.

Para sa mga guro at REPS, kailangang magpasa ng Faculty or REPS Service Record (FSR/RSR o UP Form 67) kung saan nakasaad ang mga inisyatiba na naging bahagi sila.

Para sa mga administrative staff, kailangan ng mga katibayan na nagpapatunay ng ginampanang tungkulin sa nasabing inisyatiba.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website.

Kung mayroon pang mga katanungan, magpadala ng email kay Ms. Dara Lilang sa projects.padayon@up.edu.ph o tumawag sa (+632) 8981 8500 loc 4256.